SINABI ng Department of Agriculture (DA) na umabot na sa P285.28 milyon ang pinsalang dulot ng Severe Tropical Storm Paeng.
Idinagdag ng DA na kabilang sa mga apektadong mga rehiyon ay ang MIMOROPA (Region IV-A), Bicol (Region V), Western Visayas (Region VI), Zamboanga Peninsula (Region IX) at SOCSKSARGEN (Region VII).
Sinabi pa ng DA na umabot na sa 113,408 ektarya ng taniman ang apektadon kung saan 11,761 metric tons ng mga pananim ang nasira.
Ayon sa DA, 8,608 magsasaka at mangingisda ang apektado ng bagyo.
“Affected commodities include rice, corn, high value crops and fisheries. Damage has also been incurred in agricultural facilities,” sabi ng DA.
Ayon pa sa DA, sa kabuuang pinsala, P246.36 milyon dito ay dulot ng pagkasira ng mga pananim na palayan.
Samantala, umabot sa P14.13 ang pinsala sa pangisdaan, P4.19 milyon sa maisan, at P2 milyon naman sa mga high-value crops.