NANINIWALA si Senador Grace Poe na bukod sa papuri na dapat matanggap ng mga nurse gaya ni May Parsons, ang Filipina nurse na kauna-unahang nag-administer ng COVID vaccine sa buong mundo, dapat din mabigyan sila ng maayos na sweldo at benepisyo.
Sa Senate Resolution No. 347 na inaprubahan ng Senado nitong Miyerkules, sa pagkilala sa kabayanihan ng mga nurse gaya ni Parsons sa healthcare system bago pa man din ang pandemya, higit na kailangang bigyan sila ng magandang sweldo at benepisyo.
Kinikilala sa nasabing resolusyon ang naging kontribusyon ni Parsons at ng mga kagaya niya sa paglaban sa pandemya.
“Tunay na isang inspirasyon si Nurse May sa buong. Like her peers in the health sector, her commitment to saving lives, delivering the best care possible, and creating a better and healthier future is truly commendable and worth these recognitions,” sabi ni Poe sa kanyang talumpati sa Senado.
Nanindigan ang senador na ang kanyang resolusyon ay hindi lamang tumutukoy sa pagbibigay ng pagkilala ng gobyerno kay Parsons.
“Hindi lang dapat bragging rights ang ambag ng gobyerno dito. Our nurses can only do these heroic sacrifices to the extent that they are taken care of. We need to resuscitate our nursing profession,” dagdag pa ni Poe.
“We should give back not just in terms of recognition but also in terms of actual benefits to make the nursing practice a genuine livable career for practitioners. Upgrading the minimum salary of nurses is the least that we can do for the sacrifice they gave in nursing us all back to health,” anya pa.
Matatandaan na binigyan ng prestihiyosong George Cross Award ng pumanaw na reyna ng Inglatera na si Queen Elizabeth II dahil sa kanyang naging kontribusyon bilang kauna-unahang nurse na nag-administer ng COVID-19 jab sa kasagsagan ng pandemya.
Graduate ng University of Sto. Tomas si Parsons. Tatlong taon din siyang nagtrabaho sa UST Hospital bago nagtungo sa United Kingdom.