SINABI ng Department of Agriculture (DA) na umabot na sa P1.33 bilyon ang pinsalang idinulot ng Severe Tropical Storm Paeng sa agrikultura.
Sa pinakahuling datos mula sa DA, sinabi nito na umabot na sa 64,607 ektarya ang pinsala ni ‘Paeng’ sa Cordillera Administrative Region (CAR), CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at SOCCSKSARGEN (South Cotobato, Sultan Kudarat, Sarangani and General Santos City).
Umabot naman sa 66,9633 metric tons (MT) ng produksyon ang nawala kung saan apektado ang 53,849 magsasaka at mangingisda.
“Affected commodities include rice, corn, high value crops, livestock and poultry, and fisheries. Damage has also been incurred in agricultural facilities,” sabi ng DA.
Sa kabuuang pinsala, pinakamalaking naitala sa mga palayan, kung saan umabot sa P1.23 bilyon halaga ng bigas ang nasira, na may kabuuang 63,930 ektarya.
Kabilang sa mga naitalang pinsala ang high value crops, P60 milyon; palaisdaan, P16 milyon; maisan, P5.59 milyon at livestock at poultry, P1.92 milyon.