GUILTY sa tatlong bilang na kasong graft si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. at hinatulan na mabilanggo ng 18 taon kaugnay sa pagwaldas ng P780 milyon pondo ng Local Water Utilities Administration (LWUA) noong 2009 kung saan siya ang chairman nito.
Ang deputy administrator ng LWUA na si Wilfredo Feleo Jr. ay napatunayan din guilty sa tatlong kasong graft.
Nag-ugat ang kaso nang iregular na bilhin ng LWUA ang 60-percent stake sa Express Savings Bank Inc.
Ayon sa Sandiganbayan iregular ang ginawang pagbili ng LWUA sa ESBI shares dahil ginawa ito ng walang approval ng Monetary Board, Department of Finance (DOF), at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahilan para malagay ang pondo sa “potential risks”.