PASAY CITY JAIL ang kababagsakan ni Pharmally Pharmaceutical Corp. Director Lincoln Ong dahil sa pagsuway na sagutin ang mga katanungan ng mga senador sa isinasagawang pagdinig hinggil sa pagbili ng gobyerno ng overpriced PPEs.
“The chair orders upon the motion of Senators Lacson, Drilon, Pangilinan as approved by the Senate President. The chair orders the OSAA (Senate Office of the Sergeant-at-Arms) to transfer this man to Pasay City Jail,” ayon kay Senador Richard Gordon, chair ng blue ribbon committee.
Nagdesisyon ang komite na ilipat si Ong dahil sa pag-iwas nitong sagutin ang mga tanong ng senador hinggil sa diumano’y maanomalyang pagbili ng mahal na PPEs.
Una nang iniligay si Ong sa house arrest dahil nagpositibo ito sa coronavirus disease at ngayon ay nakadetine sa Senado simula noong Lunes.