Fishing vessel lumubog sa Iloilo, 9 nawawala

SIYAM na mangingisda ang patuloy pang hinahanap habang 22 ang nailigtas matapos lumubog ang isang bangka sa Gigantes Islands sa Iloilo Biyernes ng umaga.

Ang lumubog na F/V St. Peter the Fisherman II ay lumubog ala-1 ng madaling araw sa katubigan sa pagitan ng Gigantes Islands at Tanguingui Island of Cebu. Isa sa mga nawawala ay ang kapitan nito na si Frankie Chavez ng Negros Occidental.

Hinahanap pa rin ang walong iba pa na sina Herminio Ronamo, Manuel Auditor, Norberto Parlotzo, Renante Forsuelo, Victor Calvo, Rommel Engle, Julit Salvo, at Julian Dungog.

Ayon sa isa sa mga nakaligtas, lumubog ang kanilang sinasakyang bangka dahil sa malakas na hangin at alon.