NAPAGKASUNDUAN ng Pilipinas at China na gawing “friendly consultation” ang anumang sigalot na maidudulot sa usapin ng South China Sea, ayon sa Chinese embassy.
Ito ang inilabas na pahayag ng embahada matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jinping sa Bangkok, Thailand nitong Huwebes.
Ayon sa embahada, nagkasundo ang dalawang lider na maging mag-partner para na tutulan ang “unilateralism at acts of violence.”
“On the South China Sea, the two sides must stick to friendly consultation and handle differences and disputes properly,” ayon pa sa embahada.
“As two developing countries in Asia, China and the Philippines need to keep strategic independence, uphold peace, openness and inclusiveness, and stay the course of regional cooperation. They should work together to reject unilateralism and acts of bullying, defend fairness and justice, and safeguard peace and stability in the region,” ayon pa sa pahayag nito.