MINALIIT ng paksyon ni PDP Laban president at Energy Secretary Alfonso Cusi ang pagsibak kay Pangulong Duterte bilang chairman ng partido.
Sa isang pahayag, tinawanan lamang ni PDP LABAN secretary general Melvin Magtibag ang ginawang aksyon ng paksyon ni Senator Manny Pacquiao laban kay Duterte matapos na iupo si Senator Koko Pimentel bilang bagong chairman.
“It’s a comedy. Sen. Koko Pimentel has no position in the PDP Laban. He is irrelevant and he does not represent the party. His group are pretenders and are attention seekers,” sabi ni Matibag.
“President Rodrigo Roa Duterte is the PDP Laban party chairman. He remains to be so and will continue to be so,” ayon pa kay Matibag.
Bukod kay Duterte, tinanggal din ng grupo ni Pacquiao si Cusi bilang vice chair ng partido at iniupo si Eastern Samar Governor Lutgardo Barbo.