MAGIGING simple at tradisyunal ang kauna-unahang State of the Nation (SONA) address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 25, ayon sa direktor na si Paul Soriano.
Sa isang panayam, nangako si Soriano na gagawin ang lahat upang maipaabot ni Marcos ang mensahe nito sa publiko
“It will focus on his message,” aniya.
Ayon sa mister ni Toni Gonzaga, nagsimula na noong Linggo ang rehearsal para SONA.
“The President is hands-on in the crafting of his speech which will be concise, clear and direct to the point. The real challenge is for the public to hear him well. After all, this is a two-way process where listening skills is important to hear his message,” paliwanag ni Soriano.
Matatandaan na si Soriano ang creative consultant sa inaugural ni Marcos noong June 30.