PARA matapos na ang patutsadahan nina dating Pangulong Duterte at President Bongbong Marcos, hinamon nitong Miyerkoles ni Senador Risa Hontiveros ang dalawang lider na parehong sumailalim sa drug test.
“Drug testing should always be suspicionless and voluntary. Para matapos na ang patutsadahan sa drug use ng dalawang lider ng bansa, I encourage them both to take the test,” ayon kay Hontiveros.
Nauna nang hinamon ni Duterte na magpa-drug test sa isang “independent body”. Una na rin nitong tinawag ang lider ng bansa na adik ito.
Hindi naman pinalagpas ni Marcos ang akusasyon at sinabing bunsod ng fentanyl na ginagamit ni Duterte kung kaya nagkakaganito ang kilos at pag-iisip nito.