MAG-UUWI si Pangulong Bongbong Marcos ng $8.484 bilyong pamumuhunan matapos ang kanyang state visit sa Indonesia.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Angeles na ito ay nakapaloob sa memorandum of understanding (MOUs) at letters of intent (LOI) na pinirmahan matapos ang isinagawang Jakarta Business Roundtable Meeting.
Kabilang dito ang $822 milyong negosyo sa textiles, garments, renewable energy, satellite gateway, wire global technology, at agrifood.
Ayon kay Angeles, kabilang din sa nakuha ng biyahe ni Marcos ay ang $7 bilyong imprastraktura para sa private-public partnerships kagaya ng isang C-5 four-level elevated expressway; $662-milyong halaga ng coal at fertilizer.
Aniya, inaasahan itong magreresulta sa 7,000 bagong trabaho sa bansa.