INAPRUBAHAN ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagbibigay ng 50 porsiyentong diskwento sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa pagkuha ng mga pasaporte.
Sa ilalim ng House Bill No. 6510, inaamyendahan nito ang Philippine Passport Act of 1996.
Kabilang sa mga probisyon ng panukala ay ang pagmamandato sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magtakda ng sistema kung saan hindi na kailangang personal na magpakita ang mga senior citizen kapag nagre-renew ng passport.