Panelo: Bong Go pwedeng tumakbo sa pagkapaangulo pero…

WALANG nakikitang hadlang si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kung tatakbo sa pagkapangulo si Sen. Bong Go.


Sa isang pulong noong Huwebes, sinabi ni Panelo na maaari namang tumakbo kahit sino sa 2022 elections.


Pero para sa kanya, si Davao City Mayor Sara Duterte ang nararapat na humalili sa kanyang amang si Pangulong Duterte.


Naniniwala si Panelo na makukimbinsing tumakbo si Sara kung hihilingin ng taumbayan.


Kamakailan ay inilunsad ang Duterte Pa Rin Movement upang himukin si Sara na ituloy at pagyananin ang legacy ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon.