NAGSALITA na si Pangulong Duterte kaugnay ng pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa dalawang barko ng Pilipinas na magdadala sana ng suplay sa mga nakatalaga sa Ayungin Shoal.
“We abhor the recent event in the Ayungin Shoal and view with grave concern other similar developments. This does not speak well of the relations between our nations and our partnership,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa special summit na dinaluhan ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ng China.
Magdadala sana ang dalawang barko ng Pilipinas ng pagkain at iba pang suplay sa mga sundalong nakasakay sa BRP Sierra Madre na nagbabantay sa Ayungin shoal nang mangyari ang panghaharass.
Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na muli nang nakapagpadala ng suplay ang pamahalaan matapos ang insidente.
“The Chinese ambassador assured me they will not be impeded. Pero pakiusap nila, walang escort,” sabi ni Lorenzana.