Duterte: Kandidato sa yate tumitira ng cocaine

MAY bagong pasaring si Pangulong Duterte sa kandidatura na una na niyang I Naku Sagan na gumawa it ng cocaine.

Ayon sa bagong pasabog ni Duterte, ang cocaine session umami ng kandidato ay ginagawa sa isang yate.

“There’s a candidate who was using cocaine and you can ask ‘yung mga mayaman. And sabihin ng pulis, ‘Bakit hindi natin hinuli? Bakit hindi mo hinuli, Presidente?’ Hindi mo alam ang mga mayaman. They go on a yacht, yate, or in the air. Doon ‘yan sila magsupsop ng ano nila,” sabi ni Digong sa kanyang talumpati sa General Santos City.
 
Idinagdag ni Duterte na kalat na kalat ang isyu ng kandidato sa mga mayayaman.

“Alam mo, p*****… Iyong mga mayaman na hindi maka — pati ‘yung mga adik lahat, they are a bunch of walang…  Alam mo ang tao kailangan may kaunting disiplina. May kagaguhan man kami, ako mismo, pero may limit ako sa — may boundary ako, I do not cross it. But there are things which I do because I have to do it. Nobody else would do it for us,” ayon pa kay Duterte.