IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) nai-block ang ilang website matapos hilingin ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.
“The recent move of the National Telecommunications Commission (NTC) to block certain websites is upon the request of the National Security Council in performance of its mandate,” sabi ni Presidential Spokesperson Martin Andanar.
Hiniling ni Esperon sa NTC na huwag bigyan ng access ang mga websites na may link sa communits group, kabilang na rito ang ilang progresibo at independent media.
“Legal remedies are available to any party, including online media outfit Bulatlat, affected by this action,” dagdag ni Andanar.
Bukod sa Bulatlat, isinama rin ni Esperon sa listahan ang mahigit 20 iba pang website gaya ng Pinoy Times at Pamalakaya.