Awra nadukutan ng cellphone sa MOA Arena

UMAPELA ang komedyanteng si Awra Briguela sa dumukot sa kanyang cellphone sa MOA Arena na ibalik na ito dahil hindi rin aniya ito mapakikinabangan ng iba.

Ayon kay Awra, “pinitik” ang kanyang cellphone habang nagpapa-picture sa kanya ang ilang fans na nanonood ng UAAP Women’s Volleyball game kamakailan.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Awra na bibigyan niya ng “pabuya” ang kumuha ng cellphone maibalik lang ito.

“Again sa kumuha ng phone paki balik nalang po kase hindi nyo rin po talaga yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik nyo,” aniya.

Sinabi rin niya na hindi na niya babawiin ang P5,000 na nakuha ng kawatan.

“Yung 5k na nakuha den dodoblehin ko you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. Sobrang dami lang important files sa phone,” dagdag ni Awra.

Kalakip ng pakiusap ang screen shot ng lokasyon ng cellphone.