KINONTRA ng Palasyo ang naging pahayag ng China kaugnay ng isyu ng Bajo de Masinloc.
Iginiit ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar na pag-aari ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc o Panatag Shoal.
“The Philippine position is we continue to exercise full sovereignty over Bajo de Masinloc and its territorial sea, as well as sovereign rights and jurisdiction over the surrounding EEZ and continental shelf,” giit ni Andanar.
Ito’y matapos ang pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin na may karapatan ang China sa Scarborough (Panatag) Shoal na gawin nito ang pagmamaniubra sa kanilang lugar matapos iulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang close distance maneuvering ng barko ng China sa lugar.