NANINIWALA ang Malacañang na maipapanalo ni Sen. Manny Pacquiao ang laban nito kay Errol Spence dahil sa boxing ring lang naman ito magaling.
“We wish him luck, of course. We wish all Filipinos the best of luck in whatever they do best,” ani presidential spokesperson Harry Roque.
“And pagdating po kay Manny Pacquiao, he’s best in the boxing ring and probably not as good elsewhere,” dagdag niya.
Hindi ito ang unang patutsada ni Roque kay Pacquiao mula nang lumipad patungong Los Angeles ang boxing champ.
Nitong Lunes ay minaliit ng opisyal ang mga alegasyon ni Pacquiao ukol sa mga katiwalian sa administrasyon.
“Well, watusi po! Akala ko atom bomb, iyon pala watusi! Wala po, walang kuwenta kasi puro generalized allegations po, walang bill of particulars, walang specific instance, walang ebidensiya, wala man lang follow up,” ani Roque.
“Dapat po ayusin muna ang trabaho niya bilang isang senador, patunayan ang kanyang mga paratang dahil kung hindi po, pulitika lang po talaga ang mga pinagsasabi ni Senator Pacquiao,” dagdag nito.
Umalis ng bansa si Pacquiao noong Sabado patungong US para maghanda sa laban nila ni Spence sa Las Vegas sa Agosto. –WC