WALANG balak makipag-cooperate ang administrasyon ni Pangulong Duterte sa gagawing full investigation ng International Criminal Court hinggil sa diumano’y crimes against humanity bunsod ng ipinatutupad na war on drugs ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi umano nababahala ang pangulo sa naging anunsyo ng ICC pre-trial chamber 1 na nakita ito ng basehan para isagawa ang pormal na imbestigasyon laban sa administrasyon ni Duterte.
“The President has no reaction to the news since he has said from the beginning that he will die first before facing foreign judges,” ayon kay Roque.
Iginiit nito na walang hurisdiksyon ang ICC sa anumang pamamalakad ng pamahalaan ng Pilipinas.