Panelo kay Gordon: Ikaw ang dapat na kasuhan ng inciting to sedition ‘di si Digong

NIRESBAKAN ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo si Sen. Richard Gordon na sinabing inciting to sedition ang pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa pagdinig ng Senado.


Sa kalatas, sinabi ni Panelo na ang Senate Blue Ribbon Committee na pinangungunahan ni Gordon ang dapat kasuhan ng inciting to sedition dahil pinipigil nito ang mga opisyal ng pamahalaan na gawin ang kanilang trabaho.


Paliwanag niya na bunsod ng mga imbestigasyon ng Senado ay naaabala ang trabaho ng mga opisyal.


Sinegundahan naman ni Panelo ang pahayag ni Duterte na kailangan muna nitong aprubahan kung dadalo o hindi ang mga miyembro ng gabinete sa Senate hearing.


Hirit pa ng opisyal na pagsasayang lang ng oras ang mga Senate investigations dahil wala namang nababalangkas na batas dito.
–WC