BUMATI na rin ang Palasyo kay Maria Ressa sa kanyang pagkapanalo sa Nobe Peace Prize
“Well, it’s a victory for a Filipina and we’re very happy for that kasi wala naman pong utak talangka dito sa Malacañang,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Iginiit naman ni Roque na hindi rin masisisi ni Ressa ang pananaw ng iba na hindi siya karapat-dapat sa parangal.
“There are individuals who feel that Maria Ressa still has to clear her name before our courts as in fact she’s convicted felon for libel, cyber libel in the Philippines and she faces other cases in the Philippines – that’s for the courts to decide,” dagdag ni Roque.