NANINDIGAN si Pangulong Duterte na hindi kaya ng Pilipinas na makipag-gera sa China para makuha ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang ginawang pahayag ng pangulo sa huli niyang State of the Nation Address ngayong Lunes na tumagal nang halos tatlong oras.
Muli ring minaliit ng pangulo ang pagkapanalo ng bansa laban sa China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2016.
“What will I do with a document that is not binding? China, because they were never a part of that arbitration. There was really no arbitration at all because it was only the Philippine side,” pahayag ng pangulo.
“You know, I do not want to insult these people pushing me for something more than what I can handle,” dagdag pa ni Duterte.
Kung ang nais umano ng mga tao ay makipag-gera sa China para lang makuha ang teritoryo, mauuwi lamang diumano ito sa masaker.
“Do you want war against China? I’ll tell you, even on the coast beach of Palawan, before you can take off, the missile of China would be there in about five or 10 minutes. It would be a massacre if I go and fight a war now. We are not yet a competent and able enemy of the other side,” ayon pa kay Duterte.