Impersonator ni Sharon Cuneta pumanaw

SUMAKABILANGBUHAY ang impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si Ate Shawie matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa liver cirrhosis.


Kinumpirma ng mga kamag-anak ang pagpanaw ni Ate Shawie, Marvin Martinez, 45, ngayong umaga.


Humihingi naman ang mga ito ng tulong pinansyal mula sa mga kaibigan ni Ate Shawie at sa publiko para sa burol at pagpapalibing.


Bago sumakabilang-buhay ay nasabi ni Ate Shawie na malapit na siyang bumitiw dahil lubos na siyang nahihirapan sa sakit.


Humingi rin siya noon ng donasyon para sa kanyang pagpapagamot.


Nagsagawa naman ng fund-raising Ang kanyang mga kaibigan sa show biz para sa kanyang liver transplant. –A. Mae Rodriguez