BINATIKOS ni Albay Rep. Edcel Lagman ang hakbang ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na magpasa ang Kamara ng resolusyon para ipagtanggol si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng imbestigasyon laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa kanyang giyera kontra droga.
“The alleged crimes against humanity of former President Rodrigo Duterte and his cohorts cannot be cleansed in the laundromat of the House of Representatives,” sabi ni Lagman.
Nauna nang inihain ni Arroyo ang House Resolution number 780 para depensahan si Duterte.
“Although the verbiage of House Resolution No. 780 urges the House of Representatives to defend Duterte against the resumption of the investigation of the ICC prosecutors, it does not deny that from 6,000 to 30,000 alleged drug suspects, mostly from the marginalized sectors, have been summarily killed in the wake of Duterte’s murderous campaign against illegal drugs,” dagdag ni Lagman.
Idinagdag ni Lagman na bagamat gumugulong ang hustiya sa bansa, wala naman ni isang kaso na inihain laban kay Duterte kaugnay ng kanyang mga krimen.
“Considering the default of the Philippine justice system in favor of Duterte, the proper forum now is the ICC which has jurisdiction over covered crimes committed before the Philippines conveniently withdrew from the Rome Statute at the behest of Duterte himself,” ayon pa kay Lagman.