IBINASURA ng Department of Finance (DoF) ang panawagang suspindehin ang excise tax sa langis sa harap ng posibleng pagpalo ng presyo ng produktong petrolyo sa P100 kada litro.
Kasabay nito, nagbabala si Finance Secretary Carlos Dominguez na dapat ituloy ang implementasyon ng excise tax para mapondohan ang mga gastusin ng pamahalaan.
“We will be subsidizing the top 10 percent of Filipino households who consume about 50 percent of total fuel consumption in 2022. It means that the larger financial benefits of the suspension will not go to the poor, but higher-income households,” sabi ni Dominguez.
Idinagdag ni Dominguez na aabot sa P105.9 bilyon ang mawawala sa pamahalaan sakaling tanggalin ang excise tax na aniya’y magreresulta sa mas mataas na deficit at utang.