PASADO na rin sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 2023 mula sa Disyembre 2022.
Sa botong 17-2 at walang abstention, kinatigan ng mga senador ang pagpapahinto ng eleksyon ngayong taon.
Nauna nang inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang kahalintulad na panukala.
Nauna nang sinabi ng Commission on Elections na gagastos ng karagdagang P10.858 bilyon sa pagpapaliban ng halalan.