CHR may bago nang chairperson

ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos ang abogadong si Richard Paat Palpal-latoc bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR).

Sa isang pahayag, winelcome ng CHR ang pagkakahirang kay Palpal-latoc bilang bagong pinuno ng ahensiya.

Pitong taon ang termino ni Palpal-latoc na tatagal hanggang 2029.

Naging Deputy Executive Secretary for Legal Affairs si Palpal-latoc sa ilalim ng Office of the President.

Nauna nang kinumpirma ng CHR ang pagkakatalaga kay Beda Epres bilang commissioner.