ISA pang panukala ang inihain sa Kamara na nagmumungkahing ipagpaliban ang pgdaraos ng Sangguniang Kabataan (SK) at barangay election sa Disyembre 5, 2022.
Inihain ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang House Bill No. 3384 na naglalayong amyendahan ang Republic Act (RA 9164) at ilipat ang barangay at SK election sa ikalawang linggo ng Mayo 2024.
“Nasa gitna pa rin tayo ng rumaragasang pandemya, hindi pa balik normal ang lahat. Hindi natin sigurado kung ano ang kalagayan ilang buwan mula ngayon. Kaya ang aking panukala, ipagpaliban muna ito,” sabi ni Hataman.
Matatandaan, na una nang nag-file ng House Bill 1367 si Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario para ipagpaliban ang halalan sa SK at barangay.
Ito anya ay para bigyang daan ang pag-recover ng bansa mula sa impact ng patuloy na pananalasa ng coronavirus disease pandemic.