BINATIKOS ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang desisyon ng bicameral conference committee na ibalik ang P10 bilyong pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na naunang ibinaba sa P5 bilyon.
“Like a thief in the night, the bicameral conference committee secretly restored the budget of NTF-ELCAC despite the resounding call of the masses for the realignment of its budget for much-needed basic services,” sabi Brosas.
Idinagdag ni Rosas na dumaan sa deliberasyon ng Kongreso ang ang pagtatapyas sa pondo ng NTF-ELCAC.
“Ano pang saysay ng pagbusisi sa budget ng bawat ahensya kung pagdating sa bicameral conference committee ay papalitan din ito ayon sa kagustuhan ng iilan?,” ayon pa kay Brosas.
Nauna nang niratipikahan ng Senado at Kamara ang panukalang P5.268 trilyong budget para sa 2023.