Pagbaba ng ratings ni Sara konektado sa isyu ng ama

LUMAGAPAK ang trust at approval ratings ni Vice President Sara Duterte dahil sa posisyon ng ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isyu kinakaharap ng bansa, ayon sa survey ng PUBLiCUS Asia Inc.

Ang pagkakasangkot ni VP Sara, ayon sa survey, bilang isa sa mga akusado sa nakabinbing kaso sa International Criminal Court (ICC) ang isa sa mga salik na nagpabagsak ng kanyang ratings (29 porsyento)

Pumalo naman sa 22 porsyento ang sumagot na may epekto sa bise presidente ang mga pasaring ni Digong na gumagamit ng droga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang pagsasarili ng Mindanao sa Pilipinas.

Matatandaan na mula 53 porsyento ay bumaba ang trust rating ni Duterte sa 46 porsyento.

Karamihan sa mga nawalan ng tiwala kay VP Sara ay mga taga-NCR (37 porsyento) at South Luzon (35 porsyento).

Isinagawa ang naturang non-commissioned survey, na may 1,800 respondents, noong Marso 14-18.