Nanindigan ang Malacañang na hindi malupit ang ipaiiral na pag-aresto at pagpapakulong sa mga taong mahuhuling hindi tama ang pasusuot ng kanilang mask sa publiko.
Naniniwala naman si Justice Secretary Menardo Guevarra na kahit wala pang nailatag na opisyal na alituntunin na maaaring manghuli na ang mga otoridad ng mga pasaway, ay maari na itong gawin.
“The President’s directive takes effect immediately even without the guidelines” ayon kay Gueverra sa isang panayam sa radyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala naman silang nakikitang mali sa inutos ng pangulo lalo na kung ito naman ay sa kapakinabangan at kaligtasan ng higit na nakararami.
“Yung pag-aresto ay sang-ayon sa ordinansa o ayon sa batas. Maximum of 12 hours at kung hindi kakasuhan, dapat pakawalan,” pahayag ni Roque.