Pacquiao, Trillanes parehong sabik sa kapangyarihan– Du30

MALAKI ang paniniwala ni Pangulong Duterte na kaya binabanatan nina Sen. Manny Pacquiao at dating Sen. Antonio Trillanes IV ang kanyang administrasyon ay dahil gusto nilang magkaroon ng kapangyarihan.


“Si Trillanes, parehas ni Pacquiao ‘yan. They want to, you know, hold power because they must have seen an opportunity for themselves,” ani Duterte sa kanyang pulong sa Gabinete.


“I leave Trillanes to you–daldal nang daldal ‘yan, hindi naman lumaban ng debate ‘yan,” aniya sa kanyang chief legal counsel na si Salvador Panelo.


Nitong Linggo ay inakusahan ni Trillanes si Duterte at ang kanyang dating aide na si Sen. Bong Go ng plunder makaraang ibigay sa kumpanya ng ama ni Go ang mga kontrata ng pamahalaan na umabot sa P6 bilyon.


Samantala, idinawit naman ni Pacquiao sa korupsyon ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Energy, at Department of Environment and Natural Resources. –WC