Pacman sigurado nang tatakbo sa 2022; Cusi sinibak sa PDP-Laban

TIYAK ang pagtakbo ni Sen. Manny Pacquiao sa pagkapangulo sa darating na eleksyon kahit pa walang basbas ng partido niyang PDP-Laban, ayon kay General Santos City Councilor Franklin Gacal.


“Definitely Pacquiao will run for president in the coming 2022 election. He told me this before leaving for Los Angeles,” pahayag ni Gacal.


Ani Gacal, kahit hindi iendorso ng ruling party ay tatakbo ang senador.


Kaugnay nito, sinibak sa PDP-Laban si Energy Secretary Alfonso Cusi at dalawang iba pang miyembro dahil sa paglabag sa alituntunin ng partido.


Kinumpirma ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac ang pagtanggal kina Cusi, ang PDP-Laban Vice Chairman, Deputy Secretary General Melvin Matibag, at Membership Committee Head Astra Naik.


“The expulsion of Cusi, Matibag and Naik was explained in one of the three party resolutions that were issued by Party President Manny Pacquiao and PDP Laban National Executive Committee (NEC) which constitutes the highest administrative and executive body of the party,” ani Munsayac.


Inatasan na rin si Pacquiao ng NEC na bumuo ng mga komite na mag-iimbestiga sa mga miyembro “who may have violated party constitution or may have committed acts inimical to party by showing allegiance to another party.” –A Mae Rodriguez