Mag-amang tulak nanlaban, tigok

NASAWI ang mag-ama na nanlaban umano sa mga alagad ng batas sa buy-bust operation sa Pikit, Cotabato nitong Huwebes ng umaga, ayon sa pulisya.


Nakuha sa napatay na mga suspek na sina Ronnie at Banji Mangansakan ang mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu.


Sinalakay ng mga tauhan ng Philipine National Police, Philippine Drug Enforcement Agenc, at Armed Forces of the Philippines ang tahanan ng mag-ama.


Pero imbes na sumuko ay nagpaputok ang mag-ama kaya gumanti ng putok ang mga pwersa ng pamahalaan.


Maliban sa pagtutulak, matagal na umanong wanted ang mga Mangansakan sa mga kasong murder at frustrated murder.


Nakumpiska rin sa bahay ang isang M-14 rifle, dalawang M-16 rifle, isang kalibre-.50 homemade Barretta, at isang M-203 grenade launcher.