Pacman rumesbak kay Duterte: Sentimyento ko, sentimyento ng publiko



HINDI nagpatinag si Sen. Manny Pacquiao sa ginawang pangmamaliit sa kanya ni Pangulong Duterte na sinabing mag-aaral muna siya bago sumawsaw sa isyu ng West Philippine Sea.


“I respect the President’s opinion but I humbly disagree with his assessment of my understanding of foreign policy. I am a Filipino voicing out what needs to be said in defense of what has been adjudicated as rightfully ours,” ani Pacquiao sa kalatas.


Idinagdag ng senador na tila hindi naintindihan ni Duterte ang sinabi niya.


“I firmly believe that my statement reflects the sentiment of majority of the Filipinos, that we should stand strong in protecting our sovereign rights while pursuing a peaceful and diplomatic solution to the dispute,” dagdag niya.


Naunang sinabi ng senador na lumamya ang paninindigan ng Pangulo ukol sa pananakop ng China sa karagatang pag-aari ng Pilipinas kumpara noong nangangampanya pa lamang ito.


“Narinig natin bago mag-election sa pangangampanya, nung sinabi niya na mag-jet ski siya, dala ‘yung watawat ng Pilipinas doon. Siyempre, kahit ako sa puso ko, ito na ‘yung iboboto ko dahil ito ‘yung dapat na presidente, kailangan natin, na pinaglalaban ‘yung bansa natin,” sabi pa ni Pacquiao.


Agad namang nagkomento ang Pangulo at sinabing kailangan pang mag-aral nang husto ni Pacquiao ukol sa isyu dahil siya ay may “very shallow knowledge.”