HINDI ikinukonsidera ng 1Sambayanan bilang kandidato sa pagkapangulo ng alyansa si Manny Pacquiao dahil wala umano itong kakayahan na mamuno sa bansa.
Ayon kay retired Senior Associate Justice Antonio Carpio ng 1Sambayanan, hindi maaasahan si Pacquiao kung ang pagbabasehan ay ang madalas nitong pagliban sa trabaho, noon bilang kongresista at ngayon bilang senador. “As congressman, Pacquiao was the No. 1 absentee, he was the topnotcher in absences in Congress. As senator, he again topped, he was No. 1 in absences. So that basic qualification–competence–is not there,” ani Carpio sa panayam ng ANC.
Dagdag ni Carpio na mahihirapan ang boxing champion na pangunahan ang bansa. “Running a country of 110 million population requires competence…We cannot have a president who is absent. When there is a task you cannot be absent,” aniya.
Ilan sa mga pinagpipilian ng 1Sambayanan na mamanukin sa 2022 elections ay sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe, at dating Sen. Antonio Trillanes.