Vico Sotto ‘laya’ na pero…

vico ok

PWEDE na muling lumabas si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil natapos na ang 14-day quarantine period niya mula noong mamatay ang kanyang driver sa Covid-19.

Pero ayon kay Sotto,  kahit tapos na ang quarantine period ay hindi pa rin siya magsasagawa ng mga face-to-face na meetings hanggang April 4 bilang pagsunod sa bagong protocol ng pamahalaan.

Sa tweet, sinabi ng alkalde na nagnegatibo siya sa sakit apat na araw mula nang huli niyang nakasalamuha ang driver, pero tinapos pa rin niya ang kanyang 14-day quarantine period.

“Kahit negative, tinapos ko pa rin ang 14 days dahil ito ang sabi sa DOH. Guidelines. Maaari kasing nagi-incubate pa lang ang virus,” aniya pa.


Namatay ang driver niya noong March 15.