PINIRMAHAN na ni Pangulong Duterte ang P5.024 trilyong 2022 national budget kung saan kabilang dito ang pondo para sa COVID-19 pandemic at tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
Sa ilalim ng budget, P50 bilyon ang inilaan para sa special risk allowance ng mga medical frontliners, habang halos P48 bilyon naman ang pondo para sa COVID-19 booster shots, at P15 bilyon hanggang P16 bilyon para sa anti-insurgency task force.
Nauna nang sinabi ng Budget department na P4 bilyon ang ilalaan bilang tugon sa pananalasa ng bagyong Odette.
Nitong Disyembre ay nanalanta ang bagyong Odette sa gitna at timog na bahagi ng Pilipinas na nag-iwan ng daan-daang patay at sirang mga kabahayan at establisyimento.