IBINASURA ng Department of Budget and Management (DBM) ang panawagan na itaas sa P33,000 ang minimum wage ng mga kawani ng pamahalaan.
Sinabi ng DBM na nakatakda ring matanggap ng mga empleyado ng pamahalaan sa 2023 ang huling tranche ng implementasyon ng Republic Act No. 11466 o Salary Standardization Law V.
“Hence, government employees concerned will have another salary adjustment by next year,” sabi ng DBM.
Idinagdag ng DBM na kailangang magpasa ng batas kaugnay ng mga panukala para itaas ang sweldo ng mga empleyado ng gobyerno.
“We would also like to note further that the increase in salary for government workers is carried out thru a legislative measure. Once House Bills or Senate Bills are filed, the DBM is providing comments/inputs/recommendations on the same,” dagdag ng DBM.
Nauna nang nagrali ang mga miyembro ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) at Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon (KALAKON) rallied sa harap ng DBM para iginiit ang P33,000 minimum na sweldo at seguridad para sa mga kawani ng pamahalaan.