PERSONAL na iniabot ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson ang P1 milyon na regalo sa pamilya ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo kamakailan.
Ibinigay ni Singson ang pre-Christmas gift nang bisitahin niya ang pamilya Yulo sa bahay ng mga ito sa Maynila, ayon sa ulat ng Philippine Tribune.
Matatandaan na ipinangako ni Singson na bibigyan niya ng P1 milyon ang mag-asawang Angelica at Mark Andrew at mga anak na sina Eldrew, Elaiza at Joriel makaraang manalo ng medalya si Carlos sa Paris Olympics.
Inaasahang maibibigay naman ni Singson sa mga darating na araw ang ipinangako niya na P5 milyon na insentibo kay Carlos habang ipinanalangin na makikipagbati na ang gymnast sa kanyang pamilya.
“Forgiveness and peace will be their greatest gift to the Filipinos this Christmas season,” ani Singson.