IBINIGAY na ng Commission on Elections (Comelec) ang P1.61 bilyon kontrata nito sa F2 Logistics, isang firm na sinasabing may kaugnayan sa Davao City businessman na si Dennis Uy.
Ang kontrata ay inaward sa F2 Logistics para siyang magdeliver ng mga supplies na gagamitin sa halalan sa susunod na taon.
“The Notice of Award was approved by the En Banc,” ayon kay Comelec spokesman James Jimenez nang makapanayam ng mga reporter Miyerkules, Agosto 25.
Tatlong kompanya ang tinalo ng F2 Logistics dahil sa ito umano ang may pinakamababang bid na inalok sa Comelec.
Bago ang pag-award, una nang iniutos ni Comelec Chairman Sheriff Abas na alamin ng bids and awards committee kung sino ang nagmamay-ari ng F2 Logistics.
Si Uy, na isa sa mga campaign donor ni Pangulong Duterte noong 2016, ay siyang chairman ng F2 Logistics base na rin sa 202 annual report ng Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corporation.