EPEKTIBO lamang umano ang online campaign sa mga urban areas, ayon sa isang political sociologist.
Sinabi ni Frederick Rey, political sociologist, epektibo lamang ang pangangampanya sa urban areas lalo na’t hindi lahat ng nasa rural areas ay may Internet connection.
“Ang rural area naman, sa tingin ko, nakasalalay pa rin sa intimacy… ito ‘yung ang kandidato, kinakamayan ka. Kapag nahawakan ka niya, nagbabago lahat,” ayon kay Rey.
Magiging online ang pangangampanya ng mga kandidato sa susunod na taon dahil sa pandemya.
Payo ni Rey kailangan pagtuunan ng pansin ng nga kandidato ang mga probinsya lalo na’t malaking boto ang makukuha rito.