LALO pang tumaas ang inflation rate sa bansa matapos makapagtala ng 7.7 porsiyento nitong Oktubre kumpara sa 6.9 porsiyento noong Setyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ng PSA na ito na ang pinakamataas na antas na pagtaas ng presyo ng bilihin simula 2008.
“With this month’s inflation, the Philippines’ average inflation rate from January to October 2022 stood at 5.4 percent. In October 2021, inflation rate was observed at 4.0 percent,” sabi ng PSA.
Idinagdag ng PSA na ang paglobo ng inflation rate ay bunsod pa rin ng pagtaas ng halaga ng mga pagkain na nasa 9.4 porsiyento mula sa 7.4 porsiyento noong Setyembre 2022.