Nadale ng Covid sa pamilya ni Sharon Cuneta, 4 na

INANUNSYO ni Megastar Sharon Cuneta na isa pang miyembro ng kanyang pamilya ang mayroon na ring Covid-19.

Sa Instagram, ibinalita ni Sharon na dahil dito ay apat na ang may Covid sa kanila.

“Now 4 in our family are down with Covid. Oh. Em. Gee. Please, please pray for us all,” aniya.

Nitong Miyerkules, isiniwalat ng aktres na nagpositibo sa nakahahawang sakit ang tatlong miyembro ng pamilya mula sa kanilang biyahe sa Australia.

“Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with Covid. Please pray for the rest of our family and our household staff,” aniya sa Instagram post.

Dagdag niya, gumamit sila ng Aria tests na “super accurate” para madetermina kung Covid nga ang nakadale sa mga kapamilya.

Hindi naman binanggit ng singer-actress kung sino-sino ang may sakit.

“Am so upset and worried,” dagdag ni Sharon.