Net satisfaction rating ni Marcos hataw sa +68 noong Diyembre — SWS

SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na umakyat sa +68 ang net satisfaction ni Pangulong Bongbong Marcos noong Disyembre 2022, mas mataas ng limang puntos kumpara sa +63 na naitala noong Oktubre 2022.

Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, 75 porsiyento ang nagsabi na sila ay nasisiyahan sa pamamahala ni Marcos; 18 porsiyento ang undecided, at pitong porsiyento ang hindi nasisiyahan.

Mas mataas ito kumpara sa gross satisfaction na nakuha ni Marcos noong Oktubre 2022 na 71 porsiyento, 21 porsiyento undecided at walo porsiyento na gross dissatisfaction rating.

Ayon pa sa SWS, itinuturing nito na very good ang net satisfaction rating ni Marcos.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondent.