SINIBAK ni Pangulong Duterte si National Electrification Administration (NEA) Administrator Edgardo Masongsong dahil sa diumano’y pagkakasangkot nito sa mga iregularidad.
Inanunsyo ni Duterte ang pagsibak kay Masongsong sa taped Talk to the Nation Sabado ng umaga.
Ayon kay Duterte ang pagsibak sa opisyal ay base sa rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
“I dismiss him from public service,” sabi ni Duterte.
“The PACC conducted an investigation and made the recommendation for his dismissal. So, I approved, it,” dagdag nito.
Wala pang reaksyon ang sinibak na opisyal dito.
Matatandaan na nitong Mayo, naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang PACC laban kay Masongsong dahil sa diumano’y paggamit nito sa pondo ng pamahalaan para sa kampanya ng partylist group na Philippine Rural Electric Cooperatives Association noong 2019 midterm elections.