Tiny Trillanes nasawi dahil sa COVID

IBINALITA ni dating Senador Antonio Trillanes IV na nasawi ang kapatid niyang si Antonio “Tiny” Trillanes III dahil sa coronavirus disease. Siya ay 51.

“It is with deep sadness that I announce the sudden demise of my brother Antonio ‘Tiny’ Trillanes III,” post ng dating senador sa kanyang Facebook page, kalakip ang larawan niya at ng kapatid noong sila ay mga bata pa.

Ayon pa rito, namatay ang kanyang kapatid dahil sa komplikasyon dulot ng COVID-19 hatinggabi ng Agosto 21.

“He died of complications due to COVID past midnight today, August 21. He was 51,” anya.

Matatandaan na nitong nakalipas na dalawang linggo ay pumanaw rin ang kanilang ina dahil naman sa Parkinsons disease.