TINADTAD ng puna ni Sen. Nancy Binay ang isinasagawang ribbon-cutting ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagbubukas ng Quezon Institute Offsite Modular Hospital kahapon.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Binay na hindi mahalaga ang mga seremonya lalo pa at marami pasyente ng Covid-19 ang naghihintay na magamot.
“Pakiusap kung pwede buksan na lang para magamit agad. Sayang lang ang oras sa ribbon cutting at photo ops,” ani Binay. “
These things are unnecessary & leave a bad taste for families of Covid patients who are racing against life & time,” dagdag ng senadora.
Ginawa ni Binay ang “pakiusap” matapos pasinayaan ang Quezon Institute Offsite Modular Hospital na dinaluhan nina Sen. Bong Go, Health Sec. Francisco Duque III, Public Works Sec. Mark Villar, at vaccine czar Carlito Galvez Jr.
Mayroong 110 kama na nakalaan sa mga pasyenteng may Covid-19 sa nasabing health facility