Murder convict Ruben Ecleo tigok sa heart attack

PATAY sa atake sa puso si Ruben Ecleo, ang dating Dinagat Islands congressman na nakulong dahil sa pagpatay sa kanyang misis, kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong araw.


Ayon kay BuCor spokesperson Gabriel Chaclag, nagkaroon ng cardiopulmonary arrest Huwebes ng tanghali si Ecleo. Maliban doon, marami na ring sakit na iniinda ang dating solon.


“He died of cardiopulmonary arrest this 12:20 p.m. today. Other medical condition include obstructive jaundice, chronic kidney disease secondary to obstructive uropathy,” ani Chaclag.


Kagagaling lang din ni Ecleo sa Covid-19


“He is also Covid-19 moderate. He recovered over a week ago,” dagdag niya.


Naaresto si Ecleo noong Hulyo 2020 dahil sa pagpatay sa kanyang asawa. Kinasuhan din siya ng graft and corruption sa Sandiganbayan.